Pangulong Duterte, hinimok ang mga senador na bigyan ng “chance” ang EO 128

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga senador na bigyan ng tiyansa ang Executive Order (EO) No. 128 o pansamantalang pagbaba ng import duty rates para sa pork products sa loob ng isang taon.

Kasunod ito ng inaprubahang resolusyon ng Senado matapos lumabas na posibleng umabot sa 11 bilyong piso ang mawalang pondo sa gobyerno at ang magiging epekto ng pork imports sa mga lokal na magbababoy.

Sa isang statement sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na sana ay palipasin muna ng dalawang buwan ang EO upang makita kung nagkatotoo ba ang epekto nito.


Matatandaang sa nabanggit na EO, itataas sa 404,000 metriko tonelada ang kasalukuyang 54,000 na metriko tonelada na aangkating pork products, habang ibinababa ang taripa na ipinapataw rito sa 5 hanggang 15% mula sa kasalukuyang 30 hanggang 40%.

Facebook Comments