Pangulong Duterte, hinimok ang mga taga Siargao na magpabakuna kahit pa zero COVID case na sila

Sa naging pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon sa Siargao, hindi nito pinalampas ang pagkakataon para hikayatin ang mga residenteng biktima ng bagyo na magpabakuna.

Ayon sa Pangulo, nalulugod sya dahil zero COVID case ang Siargao pero sa kabila nito iginiit ni Pangulong Duterte na mahalaga ang bakuna sapagkat nagbibigay ito ng proteksyon.

Kaugnay nito, nangako rin ang presidente na magkakaloob ng tulong sa mga biktima ng kalamidad sa Siargao.


Una na nitong sinabi na maglalaan ang pamahalaan ng P10 bilyon pondo bilang pantulong sa ating mga kababayan ng sa ganon ay makabalik sila sa normal na pamumuhay.

Isa ang Siargao sa napuruhan ng Bagyong Odette.

Nabatid na 19 na katao ang nasawi habang 1,000 domestic tourists ang na stranded matapos manalasa ang bagyo.

Facebook Comments