Pangulong Duterte, hinimok ang publiko na ikonsidera siya bilang VP candidate

Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na tatakbo lamang siya sa pagka-bise presidente kung ikokonsidera siya ng mga tao bilang kandidato sa nasabing posisyon.

Sa kanyang talumpati sa Antipolo City, sinabi ni Pangulong Duterte na ayaw niyang tratuhin siya bilang “lame duck”.

Sakaling manalo siya sa pagka-bise presidente sa 2022 elections, sasali siya militar at pulisya sa paglaban sa krimen at iligal na droga.


Bibisita rin siya sa mga bansang miyembro ng ASEAN para pagtibayin ang relasyon ng Pilipinas sa ibang bansa.

Gayumpaman, sinabi ni Pangulong Duterte na susuportahan niya ang kandidatura ni House Majority Leader at Leyte 1st District Representative Martin Romualdez sa pagka-bise presidente.

Facebook Comments