Pangulong Duterte, hinimok na manghimasok na sa usapin ng speakership  

84

Hiniling ni Buhay Representative Lito Atienza na makialam na si Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu ng speakership post. 

Ayon kay Atienza, hindi dapat hayaan ng Pangulo na mabali ang gentleman’s agreement sa pagitan nina House Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Alan Velasco. 

Isa aniyang malaking kasawian sa Kamara kapag hindi nasunod ang palabra de honor at delicadeza. 

Kaugnay nito, pinaalalahanan ni Atienza si Cayetano na igalang ang kasunduan nila ni Velasco ng walang anumang kondisyon. 

Naupo aniya si Cayetano bilang pinuno ng Kamara kahit na noong mga panahon na iyon ay wala itong majority numbers at hindi naman ito ginawang batayan ni Velasco.  

Kinukwestyon ni Atienza kung bakit ngayon na malapit ng matapos ang termino ni Cayetano sa ilalim ng 15-21 term-sharing agreement ay saka naman nauungkat kung mayroong mayoryang tagasuporta si Velasco bilang kondisyon. 

Facebook Comments