Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte si Chinese President Xi Jinping sa pamamagitan ng Telesummit na dagdagan pa nito ang puhunan sa Pilipinas.
Ito’y matapos na batiin ng pangulo si Xi sa Centennial Founding Anniversary ng Communist Party of China
Napag-usapan ng dalawang lider ang pagpapaigting ng kooperasyon ng dalawang bansa kabilang ang economic cooperation sa larangan ng trade, investment, at infrastructure development para makatulong sa muling pagbangon ng bansa bunsod ng COVID-19.
Nagpasalamat din si Duterte sa China sa tulong nito sa bansa ngayong pandemya at kinilala rin ang mga proyektong natapos na sa ilalim ng Build, Build, Build infrastructure program dahil sa tulong ng China.
Hinikayat din ni Pangulong Duterte si Xi na dagdagan pa ng China ang pamumuhunan nito sa bansa partikular sa agriculture, fisheries, IT, maging ang science and technology.
Nagpasalamat naman si Xi kay Pangulong Duterte at tiniyak nito na magpapatuloy ang suporta ng China sa bansa lalo na sa infrastructure at sa laban ng Pilipinas kontra COVID-19.