Pangulong Duterte, humingi na ng karagdagang bakuna sa US

Humingi na ng tulong si Pangulong Rodrigo Duterte sa United States para sa karagdagang bakunang gagamitin ng Pilipinas laban sa pandemya.

Sa Talk to the Nation nito kagabi, sinabi ni Pangulong Duterte na kulang na ang suplay ng bakuna sa bansa dahil sa patuloy na epekto ng mga variants ng COVID-19.

Bagama’t naiintindihan ng pangulo na kulang din ang suplay ng bakuna sa Amerika, nanawagan ito na kung mayroong sobrang suplay ay ibigay na lamang ito sa Pilipinas.


Sa ngayon maliban sa Amerika, humingi na rin ng donasyong bakuna si Pangulong Duterte kay Chinese Pres. Xi Jinping at tiniyak na ibabalik na pabor sakaling pumayag ito.

Facebook Comments