Pangulong Duterte, humingi ng pang-unawa sa publiko hinggil sa mabagal na vaccine rollout

Humingi ng pasensya at pang-unawa mula sa publiko si Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng mabagal na COVID-19 vaccine rollout sa bansa.

Sa kanyang Talk to the Nation Address, iginiit ni Pangulong Duterte na nagsusumikap ang gobyerno na makakuha ng bakuna.

Pero binigyang diin ng Pangulo na nag-aagawan ang mga bansa sa bakuna.


Punto pa niya, hindi ‘vaccine-producing country’ ang Pilipinas.

Inamin din ni Pangulong Duterte na nahihirapan siya sa pagtugon sa pandemya na tila dumadaan siya sa purgatory dahil hindi niya natutulungan ang lahat ng mga Pilipino.

Pero tiniyak ni Pangulong Duterte na siya ang magiging huling tao na magpapahirap sa mga Pilipino.

Facebook Comments