Pangulong Duterte, humingi ng pang-unawa sa publiko sa kanyang pagmumura

215

Humingi ng pang-unawa si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko hinggil sa kanyang pagmumura.

Aminado ang Pangulo na hindi niya mapigilan ang pagmumura sa publiko lalo na kung galit siya.


Kumbinsido naman ang Pangulo na walang masamang naidudulot ang kanyang pagmumura lalo na at ginagamit naman niya ito sa kanyang mga kalaban.

Ang pahayag ng Pangulo ay kasunod ng mga bagong banat niya kina retired Supreme Court Justice Antonio Carpio at dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na kanyang kritiko sa isyu ng West Philippine Sea.

Facebook Comments