Humingi ng tawad si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga negosyanteng sina Manny Pangilinan at pamilya Ayala kaugnay ng naging masasakit niyang pahayag laban sa dalawa.
Ito ay bunsod ng ‘onerous deals’ na nakuha ng mga ito sa gobyerno hinggil sa water distribution.
Sa kaniyang talumpati nitong Lunes ng gabi, nagpasalamat si Duterte sa kontribusyon ng mga business tycoon para sa COVID-19 response ng pamahalaan.
“Yung mga masakit kong salita, to the Ayalas and to, si Pangilinan, I apologize for the hurting words. If you can find it in your heart to forgive me because if you do not, if you do not want to forgive me, I will undercut you, I will go direct to God,” saad ng Presidente.
Handa rin siyang makitungo ng maayos at makipag-usap sa mga nasabing malalaking negosyante.
“The COVID humbled me. With the kind of response that you gave, showed to the public. It’s a humbling experience also for me that, you know, baka kailangan mo rin sila balang araw.”
“Maybe, there will be a lot of legal issues but we can talk. I’m ready to talk and I’d be reasonable,” dagdag ni PRRD.
Samantala, tinanggap ni Pangilinan at mga Ayala ang paumanhin ng pinuno ng bansa.
Ayon kay MVP, tapat ang kaniyang grupo sa pakikipagtulungan sa bansa na nahaharap ngayon sa matinding krisis dulot ng COVID-19 pandemic.
Pinasalamatan naman ng Ayala clan ang gobyerno dahil kinilala nito ang kanilang ambag sa sambayanan.