Pangulong Duterte, humingi ng paumanhin sa pagpapalawig ng MECQ sa NCR+

Humingi si Pangulong Rodrigo Duterte ng paumanhin at pang-unawa kasunod ng kanyang desisyong palawigin ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa NCR Plus bubble.

Sa kanyang Talk to the Nation Address, sinabi ni Pangulong Duterte na kailangan niya itong gawin lalo na at patuloy ang pagtaas ng COVID-19 cases at napupuno na ang mga ospital.

Alam niyang babatikusin siya sa kanyang desisyon pero iginiit niya na ito ang hiling ng medical professionals.


Apela rin ng Pangulo sa publiko na sundin pa rin ang health protocols para maiwasan ang pagkalat ng sakit.

Facebook Comments