Pangulong Duterte, ibinunyag na may ‘Myasthenia Gravis’

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakakaranas siya ng “Myasthenia Gravis.”

Ito ay isang karamdaman na nagdudulot ng panghihina ng mga kalamnan.

Sa kanyang talumpati sa Filipino Community sa Moscow, Russia, sinabi ng pangulo na namana niya ang sakit mula sa kanyang lolo.


Biro niya, minsan  hindi magkatugma ang galaw ng kanyang mga mata.

Hindi ito ang unang beses na naghayag ang pangulo ng kanyang medical conditions.

Una nang sinabi ng pangulo na mayroon siyang Buerger’s Disease, isang kondisyon kung saan sumisikip ang daluyan ng dugo dahil sa Nicotine, at Barrett’s Esophagus.

Base sa mga medical expert, ang Myasthenia Gravis ay panlalambot at panghihina ng voluntary muscles ng isang tao.

Ang mga simtomas ng sakit ay panghihina ng braso at binti, dumodoble ang paningin, paglaylay ng talukap ng mga mata, hirap sa pagsasalita, pag-nguya, paglunok, at paghinga.

Wala pang lunas para sa ganitong sakit.

Facebook Comments