Pangulong Duterte, igagalang ang batas ng Indonesia sa kaso ni Mary Jane Veloso; kaso nito, hindi nabanggit sa Bilateral meeting ng Pangulong Duterte at President Widodo

Manila, Philippines – Binigyang diin ni Pangulong Rodrigo Duterte na igagalang niya kung ano man ang maging desisyon ng Indonesian Government kaugnay sa kaso ni Mary Jane Veloso na nakapila sa Death Row sa Indonesia.

Ayon kay Pangulong Duterte, igagalang niya ang batas ng Indonesia at hindi niya ipipilit na mabigyan ng pardon o mapakawalan ng Indonesian government si Veloso.

Una narin namang sinabi ni Pangulong Duterte na susubukan niya itong sabihin kay President Widodo pero kung hindi aniya papayag ang Indonesian President ay hindi na niya ito ipipilit.


Pero sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na hindi napag-usapan sa Bilateral meeting ni Pangulong Duterte kay Indonesia President Joko Widodo ang kaso ni Mary Jane Veloso.
Pero ayon kay Abella, hindi niya alam kung ito naman ay napag-usapan sa private meeting ng dalawang lider na naganap kanina sa Malacanang.
DZXL558

Facebook Comments