Pangulong Duterte, iginiit na ginawa niya ang lahat para masugpo ang kurapsyon

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na ginawa niya ang lahat ng makakaya para makontrol ang problema ng kurapsyon sa ilalim ng kaniyang termino.

Sa kaniyang talumpati kahapon, sinabi ng Pangulo na umabot pa ito sa pagkakataong sinibak niya ang mga opisyal at kahit na miyembro ng gabinete na nauugnay sa katiwalian.

Inalala ng punong ehekutibo ang ilan niyang cabinet members na tinanggal at ang 42 na tuhan ng immigrations na iniuugnay noon sa “pastillas scam”.


Matatandaang nabunyag noon na nagbabayad ng P10,000 ang mga Chinese nationals na pumapasok sa bansa bilang turista at nakakapagtrabaho sa mga Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).

Sinabi pa ng Pangulo na dapat magdeklara ng Martial Law ang susunod na presidente at palitan ang lahat ng mga kawani ng gobyerno kung talagang gusto nitong masugpo ang kurapsyon.

Noong nakaraang taon, nasa ika-117 ang Pilipinas mula sa 180 na bansa pagdating sa corruption index ng Berlin-based watchdog na Transparency International.

Facebook Comments