Manila, Philippines – Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya isusuko ang teritoryo ng bansa.
Ito’y kasabay ng ginagawang konstruksyon ng China sa mga pinag-aagawang isla sa West Philippine sea.
Ayon kay Duterte – kinaibigan lamang niya ang China dahil naapektuhan na ang pagbebenta ng Pilipinas ng saging at pinya dahil sa galit nila sa nakaraang administrasyon.
Darating aniya ang panahon na igigiit niya ang desisyon ng United Nations arbitral tribunal.
Sinisi naman ng pangulo ang Amerika sa nangyari kung saan kinompronta ng nito si United States Ambassador to the Philippines Sung Kim kung bakit hindi umaaksyon ang amerika sa ginagawa ng China.
Hindi naman nasagot ni Ambassador Kim ang kanyang tanong dahil hindi pa si Kim ang nakatutok sa isyu noong panahong natuklasan ito ng Amerika.
Facebook Comments