Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi madaling trabaho ang rehabilitasyon ng Marawi City na nawasak dahil sa labanan.
Ito ang pahayag ng Pangulo matapos ihayag ng Moro Concensus Group na walang dahilan para ipagdiwang ang anibersaryo ng liberasyon ng Marawi lalo na at pinagbabawalan pa rin ang mga residenteng umuwi sa kanilang mga bahay at wala pang natatanggap na kompensasyon.
Sa kaniyang public address, sinabi ni Pangulong Duterte na patuloy ang pamahalaan sa pagtatayo ng lungsod.
“You know, Marawi is not that easy. We started it and we are at it already because yung clearing of explosives ang matagal,” giit ng Punong Ehekutibo
‘It might take–it’s not easy to do that–it might take some time before we can really reach the ideal place that we’d call home,” dagdag pa ng Pangulo.
Maliban sa clearing operations, nireresolba rin ang isyu sa mga titulo ng lupa.
“You have to contend with titles. Yung titles niyo diyan doble-doble. So there’s no title that is really very clean,” ani Duterte.
“There [are] the individual titles na nag-o-overlap and so many things left to solve locally and the problem is about Marawi and community itself. Hindi sa gobyerno,” sabi ng Pangulo.
Ipinunto rin ng Pangulo na nananatili pa ring problema ang terorismo at hindi hinangad ng pamahalana na magkaroon ng giyera noong 2017.
“We’re doing our best. We did not ask for this fight. We had to destroy because it was the only way to put down the enemy. They were also taking cover in buildings kaya ganoon ang nangyari,” sabi ng Pangulo.
Sa kabila nito, pagtitiyak ni Pangulong Duterte na mayroong pondo ang gobyerno sa muling pagbangon ng Marawi at patuloy nilang ginagamit ito.
Ang Marawi City ay naging battleground sa loob ng limang buwan sa pagitan ng Maute-ISIS Terror Group at ng pwersa ng gobyerno.
Ginunita nitong October 23 ang ikatlong taon ng pagkakalaya ng lungsod mula sa mga terorista.