Pangulong Duterte, iginiit na hindi madaling sugpuin ang korapsyon

Ginagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang makakaya para sugpuin ang korapsyon sa pamahalaan.

Ayon kay Pangulong Duterte, may mga nagawa naman siyang hakbang para mabawasan ang katiwalian – kabilang ang pagsibak sa ilang indibiduwal.

Aminado si Pangulong Duterte na hindi niya maaaring buwagin ang mga opisina pero maaari niyang sibakin ang mga kawaning sangkot sa korapsyon.


Partikular na hinabol ni Pangulong Duterte ang mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa mga maanomalyang kontrata, mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) na dawit sa Pastillas Scheme at mga airport official na sangkot sa Laglag-Bala.

Facebook Comments