Pangulong Duterte, iginiit na matagal na siyang nagbabala patungkol sa paparating na pandemya

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na matagal na siyang nagbabala sa bansa laban sa paparating na pandemya.

Sa kanyang Talk to the Nation Address, sinabi ni Pangulong Duterte na bago pa mang pumasok ang COVID-19 pandemic sa Pilipinas ay nagbigay na siya ng babala hinggil sa paparating na virus.

Nagkatotoo aniya ang kanyang mga babala at ito na ang patuloy na tinutugunan ng bansa at ng buong mundo.


Sinabi niya rin noon na walang magiging gamot para sa pandemyang ito.

Noong Enero 2020, sinabi ni Pangulong Duterte na naghahanda ang Pilipinas sa worst-case scenario sa harap ng pagkalat ng Novel Coronavirus sa buong mundo.

Tumanggi rin ang Pangulo na magpatupad ng travel ban noon sa China dahil sinabi niya na hindi ito magiging patas lalo na at may ibang bansa na ang may kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Pebrero 2020 nang ipatupad ng pamahalaan ang travel ban sa China, Hong Kong at Macau.

Nang maitala ang dalawang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, minaliit lamang ito ng Pangulo at iginiit na hindi kailangang maging hysterical ang publiko.

Marso 2020 nang ideklara ni Pangulong Duterte ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong Luzon dahil sa paglobo ng COVID-19 infections at idineklara rin niya ang state of public health emergency sa buong bansa.

Facebook Comments