Pangulong Duterte, iginiit na walang pakialam sa transaksyon sa gobyerno ng kanyang mga manugang

Manila, Philippines – Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang pakialam sa transaksyon sa gobyerno ng kanyang mga manugang.

Ito’y matapos idawit ni Sen. Antonio Trillanes IV ang kanyang son-in-law na si Atty. Manases Carpio sa umano’y korupsyon at smuggling sa Bureau of Customs (BOC) at paglutang din ng pangalan ni Lovely na dati nitong daughter-in-law sa kontrobersya.

Ayon sa pangulo, abogado si Carpio kung saan ang kanilang law office ang may hawak sa Mighty Corporation.


Aniya, wala namang masama kung irepresenta nito ang kanilang kliyente dahil bahagi ito ng trabaho nilang mga abogado.

Kasabay nito, nilinaw din ni Pangulong Duterte na hindi na niya manugang si Lovely dahil 10 taon na silang hiwalay ni Vice Mayor Paolo.

Muli ring sinabi ng pangulo na kung masangkot ang kaniyang mga anak sa korupsyon o iligal na gawain agad siyang magbibitiw sa pwesto.

Facebook Comments