Manila, Philippines – Walang nakikitang dahilan si Presidential Legislative Liaison Office Secretary Adelino Sitoy na hindi lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na magpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections ngayong Oktubre.
Ayon kay Sitoy, sinertipikahang urgent ni Pangulong Duterte ang panukalang pagpapaliban sa barangay elections kaya sigurado na kung ano man ang ipapasa ng kongreso sa kanyang tanggapan ay lalagdaan ng Pangulo.
Welcome naman sa Malacañang ang mga naging hakbang ng kongeso sa usapin.
Ayon kay Presidential Spokesman Erensto Abella, wala silang nakikitang dahilan para ibasura ng Pangulo ang nasabing Panukala lalo pat ito na mismo ang nagsabi na dapat itong madaliit at hindi dapat matuloy ang barangay elections dahil narin sa operasyon ng iligal na droga.
Pangulong Duterte, inaabangan nalang para malagdaan ang panukalang magpapaliban ng barangay elections
Facebook Comments