Pangulong Duterte inaasahan na ang paghihiganti sa kanya ng mga nasagasaan ng kanyang administrasyon

Hindi na magugulat si Pangulong Rodrigo Duterte kung maghiganti sa kanya ang mga taong nasagasaan niya sa kanyang kampanya laban sa iligal na droga.

Inaasahan na niya na pagkatapos ng kanyang termino ay uulanin siya ng mga kaso at matindi pa aniya dito ay pipilitin siyang itumba ng mga nasagasaang sindikato at mga criminal.

Dagdag pa niya na handa niyang harapin itong lahat kung ito ang magiging kapalit ng kanyang mga ipinatutupad na pagbabago sa bansa.


Sinabi pa ni Pangulong Duterte na kung buhay niya ang magiging kapalit ay magpapakamatay pa siya para sa mga pilipino, kung kailangan aniyang magpakulong siya ay ituturing niya isang isang regalo para sa bayan.

Pero sinabi ni Pangulong Duterte na huwag lang niyang maaabutan ang mga nagbabalak ng masama sa kanya dahil uunahan niya ang mga ito.

Facebook Comments