Pangulong Duterte, inalok na maging DOH secretary ang molecular biologist at OCTA research fellow na si Fr. Nicanor Austriaco

Iniaalok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posisyon ng pagiging secretary ng Department of Health sa molecular biologist at OCTA research fellow na si Fr. Nicanor Austriaco.

Sa kaniyang Talk to the People Address, sinabi ng pangulo na nais niyang i-appoint si Fr. Austriaco bilang DOH secretary.

Ayon pa sa pangulo, sigurado siyang magiging masaya rin si Health Secretary Francisco Duque III kung tatanggapin ni Fr. Austriaco ang alok nito.


Samantala, bago matapos ang pulong ay pinangunahan din ni Fr. Austriaco ang panalangin para sa paghilom ng Pilipinas mula sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments