Manila, Philippines – Umamin si Pangulong Rodrigo Duterte na na-ospital din siya noon dahil sa hazing nang sumali siya sa San Beda College fraternity na Lex Talionis.
Ayon kay Pangulong Duterte, tatlong araw siya noon sa ospital dahil sa massive hematoma.
Kuwento pa ni Pangulong Duterte, mas malulupit noon ang frat members sa mga bagong recruit na anak ng mga kilalang tao.
Sa katunayan aniya, noong ni-recruit siya tinanong din siya kung siya ba ang anak ni dating Davao Governor Vicente Gonzales Duterte.
Ikinuwento ni Pangulong Duterte ang kanyang karanasan sa gitna na rin ng pagkamatay ng freshman law student na si Horacio “Atio” Castillo III dahil sa hazing.
Facebook Comments