Pangulong Duterte, inanunsyong magreretiro na sa politika

Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na magreretiro na ito sa larangan ng politika.

Ito ay matapos bawiin nito ang nominasyon sa kanya ng PDP-Laban sa posisyong bise presidente sa 2022 national elections.

Ani Duterte, ito ay bilang pagsunod niya sa gusto ng sambayanan na magretiro na sa politika.


Samantala, pormal nang naghain ng Certificate of Candidacy si Senate Health Committee Chairman Christopher “Bong” Go bilang kapalit ni Duterte sa pagka-bise presidente.

Matatandaan noong Agosto ay inihayag ng pangulo na tatakbo ito bilang bise presidente sa halalan kung saan umani ng batikos mula sa publiko.

Facebook Comments