Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang one-time incentive na aabot hanggang ₱10,000 para bigyang pagkilala ang performance ng mga government employees ngayong taon.
Nakasaad sa Administrative Order 36, sinabi ni Pangulong Duterte na ‘deserve lamang na gantimpalaan’ ang mga kawani ng gobyerno dahil sa paghahatid ng maayos na government service lalo na ngayong COVID-19 pandemic.
Ang Service Recognition Initiative (SRI) ay sakop ang civilian personnel sa government agencies at state universities at schools, sundalo, pulis, coast guard, fire protection personnel, jails at prisons.
Ang mga manggagawa sa hudikatura at lehislatura ay mabibigyan ng one-time SRI ng kanilang office head.
Ang SRI para sa lokal na pamahalaan ay malalaman sa pamamagitan ng kanilang sanggunians depende sa financial capability ng Local Government Unit.