Pangulong Duterte, inaprubahan ang Coconut Farmers and Industry Development Plan

Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Coconut Farmers and Industry Development Plan (CFIDP), kung saan nakapaloob ang mga benepisyo at programa ng pamahalaan na nakalaan para coconut farmers at sa industriyang ito.

Kabilang dito ang mga national program na magtitiyak sa social protection ng mga coconut farmers kabilang na ang kanilang pamilya, pagtatayo ng community-based enterprises, pagsasagawa ng mga pananaliksik sa produksyon, processing, at distribusyon ng buko, at iba pang pag-aaral o proyekto na magsusulong sa domestic coconut industry ng bansa.

Nakasaad sa Executive Order no. 172, dapat na reviewhin kada taon ang development plan na ito, upang matiyak ang epektibong implementasyon ito.


 

 

Upang matiyak naman na makakasabay sa nagbabagong pangangailangan ng industriya ang development plan, kailangan itong i-update kada limang taon.

Subject ito sa pag-apruba ng pangulo ng bansa.

Habang hinihikayat naman ang lahat ng tanggapan ng pamahalaan, (Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs), State University Colleges (SUCs), at Local Government Units (LGUs), na asistehan ang Philippine Coconut Authority (PCA) sa implementasyon ng kautusang ito.

Pirmado ni Pangulong Duterte ang kautusan ika-2 ng Hunyo, 2022.

Facebook Comments