Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal na dinggin ang hiling ng Department of Trade and Industry (DTI) na tulungan ang mga potential local vaccine makers sa bansa.
Sa kanyang Talk to the People Address, nanawagan si Pangulong Duterte na pakinggan ang hiling ng gobyerno partikular ang greenlane sa government permits.
Ihahanda ang mga kakailanganing requirements at dokumento pero dapat magkaroon ng mabilis na produksyon.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, nagsimula na ang pamahalaan na makipag-usap sa mga kompanya na maaaring gumawa ng COVID-19 vaccines.
Nakiusap din si Lopez para sa pagbili ng pamahalaan ng mga locally produced vaccines na dadaan sa pamantayan, presyo at specifications.
Nakikipag-uganyan na rin ang DTI sa Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA) pagdating sa magpoproseso ng mga permit.
Ang mga posibleng vaccine manufacturers ay ang local pharmaceutical giant na United Laboratories Inc. at Glovax Biotech Corporation.
Ang Unilab ay sinimulan ang paggawa ng COVID-19 vaccines nitong April 7 at posibleng maging operational ang kanilang pasilidad sa 2023.
Ang Glovax ay lumagda sa isang kasunduan sa South Korea-based EuBiologics Company para sa local vaccine manufacturing.
Una nang sinabi ng Department of Science and Technology (DOST), posibleng magkaroon ang Pilipinas ng vaccine facilities sa 2022.