Pangulong Duterte, inatasan ang CHED para magbigay ng scholarship sa dependents ng mga OFW

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Commission on Higher Education (CHED) na magbigay ng scholarship programs sa dependents ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Sa kaniyang ika-limang State of the Nation Address (SONA), nanawagan siya sa CHED na pagkalooban ng scholarship programs ang mga kwalipikadong dependents ng mga OFW.

Bago ito, ipinanukala ni CHED Chairperson Prospero De Vera III sa mga Senador ang pagpapatupad ng voucher system para matulungan ang mga anak ng mga OFW na ma-ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa gitna ng COVID-19 crisis.


Karamihan sa mga kolehiyo at unibersidad at nakatakdang magpatupad ng flexible learning sa nalalapit na academic year pero ang in-person clasess ay nananatiling suspendido dahil sa banta ng virus.

Facebook Comments