Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Local Government Units (LGUs) sa urban areas na gamitin ang kanilang mga gymnasiums bilang vaccination hubs.
Sa kanyang lingguhang public address, binabawi ng Pangulo ang kanyang naunang utos na gamitin bilang vaccination sites ang mga police stations.
Paliwanag ng Pangulo, hindi kakayanin ng mga police stations ang dami ng mga taong kailangang mabakunahan.
“Tingin ko, hindi magkasya kung ganoon so we’ll have to take in [the local officials]. They are the indispensable partners of the program. Sila na lang mamili sa mga gymnasiums. Kung kulang talaga, then my order is to utilize the public schools. Wala pa namang klase,” ani Pangulong Duterte.
Idinagdag pa ng Pangulo, maaari ding gamitin ang mga public schools bilang vaccine hubs.
“If there is no malaking coliseum or gym, then we will utilize the public schools. That would be the…kung maaari lang ‘wag muna,” sabi ng Pangulo.
Noong Agosto 2020, ipinag-utos ni Pangulong Duterte na ang mga police stations at military camps ay magsilbing vaccination hubs para sa COVID-19.