Pangulong Duterte, inatasan ang mga ahensya na makipagtulungan sa imbestigasyon ni Sen. Pacquiao

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ahensya ng pamahalaan na ipaabot ang kanilang buong kooperasyon kay Senator Manny Pacquiao na kailangang patunayan ang mga alegasyon ng korapsyon.

Sa kanyang talumpati sa Antipolo City, inatasan ni Pangulong Duterte ang mga government agencies na makipagtulungan sakaling ipatawag sila ni Pacquiao.

Sinabi ni Pangulong Duterte na trabaho ni Pacquiao na tukuyin ang mga opisinang sangkot sa korapsyon.


Dagdag pa ni Pangulong Duterte na kapag sinimulan ni Pacquiao ang kanyang imbestigasyon ay dapat niyang tapusin ito.

Pinayuhan pa ng pangulo ang senador na huwag maging pala-absent.

Facebook Comments