Pangulong Duterte, inatasan ang NBI at CIDG na imbestigahan ang J&T Express

Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na ipapasara ang shipping o courier company na J&T Express kasunod ng viral video ng mga manggagawa nito na walang habas na ibinabato at inihahagis lamang ang mga parcel sa truck habang pinupuno ang cargo.

Sa kanyang public address, sinabi ni Pangulong Duterte na maaaring mapasara ang kumpanya kapag napatunayang may pananagutan ang mga ito.

Dagdag pa ng Pangulo, nakatanggap siya ng mga ulat na ilan sa mga items ay nawawala o kailangang palitan.


Ipinag-utos na niya sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang kumpanya habang inatasan naman niya ang Bureau of Internal Revenue na silipin ang finances nito.

Pinayuhan din ni Pangulong Duterte ang publiko na magtungo sa mga himpilan ng pulisya at maghain ng reklamo.

Facebook Comments