Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Drug Enforcement Agency at iba pang ahensiya na magsumite ng report sa mga human rights groups at International Criminal Court (ICC) ng mga nakukumpiska nilang iligal na droga sa bansa.
Sa kaniyang Talk to the People Kagabi, sinabi ng pangulo na tone-toneladang iligal na droga kabilang na ang mga shabu at marijuana ang pumapasok sa bansa na sumisira ng buhay ng mga Pilipino.
Kasunod nito, pinayuhan ng pangulo ang mga kritiko na pag-aralan ang sitwasyon ng droga sa Pilipinas bago batikusin ang administrasyon.
Kahapon, inilunsad ng International Coalition for Human Rights in the Philippines ang kampanya para hikayatin ang foreign governments na magpataw ng sanctions kay Pangulong Duterte at iba pang opisyal ng pamahalaan dahil sa paglabag umano sa karapatang pantao.