Pangulong Duterte, inatasan ang PhilHealth na simplehan ang proseso para sa hospital claims

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang PhilHealth na simplehan ang mga requirements para sa mga pasyenteng mag-aasikaso ng hospital claims.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito ay para maiwasan ang delay sa pagre-reimburse sa hospital claims ng mga pasyente.

Bukod dito, inatasan din ang PhilHealth na palawigin ang deadline para sa paghahain ng claims.


Nakatakdang makipagpulong si PhilHealth Chief Dante Gierran sa Board of Directors para gumawa ng kaukulang hakbang hinggil sa utos ng Pangulo.

Facebook Comments