Pangulong Duterte, inatasan si PNP Chief Sinas na paigtingin ang giyera kontra droga

Binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Philippine National Police (PNP) Chief General Debold Sinas ng marching order na paigtingin ang kampanya laban sa ilegal na droga at terorismo.

Si Sinas ang ika-25 PNP Chief na nasangkot sa kontrobersiyal na ‘mañanita’ nitong Mayo kung saan nalabag ang pagbabawal sa mass gatherings sa harap ng lockdown sa Luzon bunga ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, dapat magtakda si Sinas ng pamantayan sa performance, professionalism at discipline.


Ang mga nakabinbing kaso laban kay Sinas at sa iba pang tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ay walang implikasyon sa kanyang appointment bilang PNP Chief.

Ang reklamo laban kay Sinas ay nasa ilalim ng preliminary investigation at hindi pa umaabot sa korte.

Si Sinas at 18 iba pang police officers ay nahaharap sa kaso ng Taguig City Prosecutor’s Office dahil sa paglabag sa city ordinance hinggil sa mandatory na pagsusuot ng face masks sa publiko at paglabag sa Republic Act 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.

Facebook Comments