Pangulong Duterte, inatasan si Sen. Gordon na magpasa ng audit report sa kanyang opisina

Tinawag na takot ni Pangulong Rodrigo Duterte si Philippine Red Cross Chairman (PRC) at Senator Richard Gordon.

Ito ay makaraang mapuno ang pangulo sa paninita ng senador pero hindi naman aniya nagsusumite ng audit report ang PRC sa tanggapan ng pangulo.

Ayon kay Pangulong Duterte, sa ilalim ng Philippine Red Cross Act, mandato ng PRC na magpasa annually ng mga programa, financial condition at kung paano nagastos ang pera ng PRC sa Office of the President na ni kailanman ay hindi nagawa ni Sen. Gordon.


Paliwanag ng punong ehekutibo, hindi maaaring igiit ni Sen. Gordon na independent ang PRC kaya hindi sila maaaring i-audit ng COA.

Sinabi ni Pangulong Duterte na basta’t may perang natatanggap mula sa gobyerno para ma-implement ang isang proyekto o programa ay awtomatikong magiging responsable sa pera ang receiving entity o yung tao na tumanggap ng pera.

Giit ng presidente, maraming atraso ang senador na hindi na nito kaya pang pagtakpan.

Kasunod nito, inatasan ni Pangulong Duterte si PRC Chair, Sen. Gordon na magsumite ng annual report sa Office of the President nang sa ganon ay maikumpara ito mula sa audit report ng COA.

Facebook Comments