Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na isailalim sa state of calamity ang buong Luzon dahil sa serye ng mga bagyong tumama sa bansa.
Sa kanyang ‘Talk to the Nation Address,’ sinagot ni Pangulong Duterte si Defense Secretary Delfin Lorenzana hinggil sa rekomendasyon ng disaster response authorities hinggil sa Luzon-wide calamity declaration.
Sabi ng Pangulo, pinirmahan na niya ang proklamasyon hinggil dito.
Sa ilalim ng state of calamity, mapapabilis ang relief at rehabilitation efforts lalo na ang paglalabas ng pondo para dito.
Magkakaroon din ng price control measures para maibsan ang epekto ng kalamidad sa mga apektadong residente.
Facebook Comments