Pangulong Duterte, inilatag ang mga paghahanda ng gobyerno para hindi makapasok sa bansa ang nCov

Mga pinoy sa China na nais ng umuwi ng Pilipinas, maaari ng konsulada ng Pilipinas sa Shanghai

Maari nang magpatala sa Embahada ng Pilipinas sa Shanghai ang mga filipino sa Hubei Province sa China na nais umuwi kasunod ng novel coronavirus outbreak.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary for Civilian Security and Consular Concerns Brigido Dulay, hindi lang ang mga pinoy sa Wuhan City i-re-repatriate kundi maging ang mga Filipino sa ibang bahagi ng Hubei Province.


Maaari aniyang tumawag ang mga pinoy na gustong umuwi ng Pilipinas sa Philippine Consulate General sa Shanghai sa sumusunod na numero:

Tel. No.: (+86-21) 6281-8020

Fax no.: (+86-21) 6281-8023

Hotline no.: (+86) 1391 747-7112

Maari ding mag-email sa shanghai.pcg@dfa.gov.ph o sa shanghaipcg@hotmail.com.

Pagtitiyak ni Dulay, sasailalim sa disease containment rules ng China ang mga pinoy na magnanais umuwi.

Habang pagdating sa Pilipinas ay isasailalim ang mga ito sa 14 na araw na mandatory quarantine.

Sa mga pinoy naman na mas piniling manatili sa Wuhan City at iba pang bahagi ng Hubei province, pinaalalahanan silang sumunod sa abiso ng mga otoridad sa China.

 

 

 

Facebook Comments