Inimbitahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang human rights groups na silipin ang tunay na drug situation sa Pilipinas.
Sa kanyang Talk to the Nation Address, iginiit ni Pangulong Duterte na marami ang namamatay dahil sa droga.
Binanggit din ni Pangulong Duterte ang datos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) mula June 6 hanggang 13 na nasa 11 tao ang namatay sa anti-illegal drug operations ng pulisya.
Aabot sa ₱1.2 billion na halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska.
Dagdag pa ni Pangulong Duterte na wala namang nangyari noong nagsagawa ng imbestigasyon ang Commission on Human Rights (CHR).
Maging ang Kongreso aniya na nagsagawa rin ng mga pagdinig pero wala silang makitang mali sa kanyang mga ginawa.
Kaya muling babala ng Pangulo na papatayin niya ang sinumang masasangkot sa ilegal na droga.