Pangulong Duterte, inimbitahan si Russian President Vladimir Putin na bumisita sa bansa

Manila, Philippines – Inimbitahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Russian President Vladimir Putin na magpunta sa Pilipinas.

Ito’y matapos putulin ng pangulo ang kanyang official visit sa Russia dahil sa gulo sa Marawi City.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano – umaasa ang pangulo na bibisita si Putin sa bansa.


Dagdag pa ng kalihim – humingi si Putin ng wish list kung ano ang kailangan ng Pilipinas para labanan ang terorismo sa bansa.

Kasunod ito ng hinginging soft loan ni Duterte kay Putin para ipambili ng mga armas.

Sinabi naman ni Tourism Sec. Wanda Teo – plano nilang bigyan ng discounted tour ang mga ruso na pupunta sa Pilipinas.

Inaasahang dadalo si Russian Prime Minister Dmitry Medvedev sa ASEAN Summit na gaganapin sa Pilipinas sa Nobyembre pero wala pang impormasyon kung maging si Putin ay kasama rin.

Kasabay nito, nilagdaan na sampung bilateral agreement sa pagitan ng Pilipinas at Russia sa larangan ng turismo, agrikultura, science and technology at trade and industry.
DZXL558

Facebook Comments