Pangulong Duterte, inirekomendang itaas ang minimum access volume sa pork imports

Inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte na itaas ang import volume ng karneng baboy.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inirekomenda ni Pangulong Duterte na itaas ang Minimum Access Volume (MAV) sa pork imports sa hanggang 350,000 metric tons.

Dagdag ito sa kasalukuyang MAV na 54,210 metric tons para sa taong 2021.


Layunin nitong mapatatag ang supply ng pork sa bansa at mapababa ang presyo nito sa merkado.

Una nang isinusulong ng Department of Agriculture (DA) ang mataas na import volume ng pork imports sa 404,000 metric tons.

Facebook Comments