Pangulong Duterte, ipapatawag ang envoy ng China kasunod ng presensya ng mga barko nito sa West PH Sea

Plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na magsagawa ng meeting sa top diplomat ng China sa bansa sa harap ng namumuong tensyon sa West Philippines Sea.

Ito ay kasunod ng pag-angkla ng halos 200 Chinese vessels sa Julian Felipe Reef na bahagi ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kumpiyansa ang Pangulo na agad na mareresolba ang isyu lalo na at magkaibigan ang China at Pilipinas.


Wala pang petsa kung kailan ang pulong ni Pangulong Duterte kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.

Una nang iginiit ng Chinese Embassy na bahagi ng “normal practice” ng kanilang mga barko na dumaong sa ligtas na lugar para hintaying kumalma ang karagatan.

Facebook Comments