Ipinababalik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa P28 billion ang budget National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Ito ay matapos gawing P10.8 bilyon na lamang ang badyet ng ahensya mula sa dating P28 billion na nakalaan sana sa kanilang Barangay Development Program.
Giit ng pangulo, mahalagang mapaunlad ng NTF-ELCAC ang malalayong barangay sa bansa para walang dahilan ang mga residente na sumanib pa sa New People’s Army (NPA).
Dagdag pa niya, nakaugalian na lamang din ng mga Senador na tapyasan ang badyet ng isang ahensya dahil lamang sa mga gawa-gawang isyu kahit na walang sapat na basehan.
Facebook Comments