Pangulong Duterte, ipinag-utos ang agarang pamamahagi ng housing at iba pang assistance sa mga naapektuhan ng Bagyong Odette

Walang pagod sa pagbisita at pag-inspeksyon si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga lugar na matinding hinagupit ng Bagyong Odette.

Sa kaniyang pagbisita kahapon sa Dinagat Islands, inatasan ng pangulo ang National Housing Authority na magbigay ng housing assistance na nagkakahalaga ng P100 million sa mga biktima ng bagyo sa isla.

Karamihan kasi sa mga bahay rito ay kung hindi man partially damaged ay totally damaged.


Ayon naman kay acting Presidential Spokesperson at CabSec. Karlo Alexei Nograles inatasan din ng pangulo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na bukod sa tuloy-tuloy na pamimigay ng pagkain ay magbigay rin ito ng ng ayuda o tulong pinansiyal sa mga biktima.

Inutos din aniya ng pangulo sa Office of the Executive Secretary na magpalabas ng P4 billion pondo ngayong araw o bukas para ibigay sa mga Local Government (LGU) na lubos na naapektuhan upang maidagdag na pantulong sa kanilang mga residente.

Samantala, ngayong araw tutulak pa Palawan at Cebu si Pangulong Duterte upang kamustahin at magbigay tulong sa ating mga apektadong kababayan.

Facebook Comments