Pinaiimbestigahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga maanomalyang nangyayari sa COVID-19 testing.
Sa kanyang talumpati sa Dumaguete City, sinabi ni Pangulong Duterte na dapat mahuli at maaresto ang mga nasa likod ng mga iregularidad.
Nababahala siya sa mga ulat hinggil sa mga taong nagkakaroon ng “false positive” at “false negative” results mula sa mga testing site.
Marami aniyang ang nakakukuha ng inconsistent na test results.
Iginiit ni Pangulong Duterte na pinabababa lamang nito ang tiwala ng publiko sa COVID-19 testing system.
Bukod dito, binanatan din ni Pangulong Duterte ang mga indibiduwal o grupo na bumili ng hindi aprubadong COVID-19 vaccines.
Facebook Comments