Pangulong Duterte, ipinag-utos sa anim na ahensya na maglaan ng pondo para sa production at distribution ng face masks

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa anim na government agencies na maglaan ng pondo para sa production ng face masks at ipamahagi ito sa publiko nang libre.

Batay sa Memorandum no. 49 na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, ang mga sumusunod na ahensya ay inatasang mag-ipon ng pondo upang makapamahagi ng libreng face masks sa publiko sa gitna ng COVID-19 pandemic:

  1. Department of Trade and Industry (DTI)
  2. Department of Health (DOH)
  3. Department of Budget and Management (DBM)
  4. Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)
  5. Department of Social Welfare and Development (DSWD)
  6. Presidential Management Staff (PMS)

Sinabi ni Pangulong Duterte na ang hakbang na ito ay kailangan lalo na at ang COVID-19 pandemic ay hindi katulad sa ibang mga kalamidad o sakuna.

Mahalagang maipatupad ang non-pharmaceutical interventions tulad ng pagsusuot ng face masks at face shields, social distancing para tulungan ang mga health workers na patuloy na rumeresponde sa pandemya.

Ang DTI ang magsisilbing implementing at coordinating agency sa production at procurement ng face masks.

Susuportahan ng DTI ang TESDA sa pagkuha ng access sa raw materials at finished goods.

Ang DBM ang nakatutok sa procurement ng face masks at ang pondo ay kukunin mula sa DOH.

Ang DSWD naman ay inatasang tukuyin ang mga target na mabigyan ng face masks.

Ang PMS ang magbabantay sa progreso ng pamamahagi ng face masks.

Facebook Comments