Pangulong Duterte, ipinag-utos sa DFA na tulungan ang mga stranded OFWs

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Foreign Affairs (DFA) na magbigay ng tulong sa mga stranded Overseas Filipino Worker (OFW) bunga ng COVID-19 pandemic.

Sa kaniyang public address, sinabi ng Pangulo na may ilang Pinoy seafarers ang nananatili sa mga barko at hindi makadaong dahil sa paghihigpit laban sa Coronavirus outbreak.

Marami aniyang mga manggagawang Pilipino sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang hindi makauwi.


Inatasan ng Pangulo sa DFA lalo sa ang mga attaché ng iba’t ibang embahada na alamin ang sitwasyon ng mga Pilipino sa kanilang nasasakupan.

Maaaring humingi ng tulong ang DFA sa host government para alalayan ang mga stranded Filipino seafarers.

Aminado ang Pangulo na masakit para sa kanya na hindi niya matulungan ang mga Pilipinong nangangailangan.

Facebook Comments