Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang local chief executives na magpatupad ng batas laban sa lumalabag sa health protocols na layong mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Sa kanyang Talk to the Nation Address, ikinadidismaya ni Pangulong Duterte ang patuloy na pagkalat ng sakit.
Utos ng Pangulo sa mga alkalde na maging responsible sa kanilang mga kababayan para matiyak na nasusunod nag health procotols.
Babala niya sa mga barangay officials na pananagutin niya ang mga ito sakaling magkaroon ng mass gathering sa kanilang lugar.
Samantala, nilagdaan ng 17 alkalde ng Metro Manila ang resolusyong magpapatupad ng bagong curfew mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng umaga simula sa Sabado, May 1.
Facebook Comments