Pangulong Duterte, ipinag-utos sa mga ahensya na magpasa ng account para sa mga pondong nagastos sa COVID-19 response

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ahensya ng gobyerno na magsumite ng accounting ng mga pondong nagastos para sa iba’t ibang programa para sa COVID-19 response.

Nabatid na nagpulong kagabi ang Pangulo kasama ang ilang miyembro ng Gabinete sa Davao City.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang expenditure report sa COVID-19-related programs ay magiging bahagi ng public address ng Pangulo na i-eere ngayong araw, alas-8:00 ng umaga.


Batay sa August 10 report ng Department of Budget and Management (DBM), ang pamahalaan ay nakapaglaan ng P376.57 billion sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para suportahan ang COVID-related programs.

Mula sa nasabing halaga, nasa P266.52 billion ang kinuha mula sa pooled savings ng mga hindi natuloy na programa, aktibidad at proyekto, P100.19 billion ay hinugot mula sa special purpose funds at P9.8 billion mula sa regular budget ng mga ahensya.

Facebook Comments