Pangulong Duterte, ipinagdiwang ang Pasko sa Davao City

Ipinagdiwang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Pasko kasama ang kanyang pamilya sa kanilang hometown sa Davao City.

Sa listrato mula kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, makikitang kumakain ang Pangulo kasama ang dating asawang si Elizabeth Zimmerman.

Una nang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi pa malinaw kung ipagdiriwang din ng Pangulo ang Bagong Taon sa Davao City.


Sa December 28, nakatakdang pirmahan ni Pangulong Duterte ang panukalang 2021 national budget.

Facebook Comments