Pangulong Duterte, ipinagtanggol sa pahayag na hindi ito makikinig sa kongreso at korte suprema

Manila, Philippines – Dinepensahan ng ilang kaalyadong mambabatas si Pangulong Duterte laban sa ibinabatong paratang na nagiging diktador na ito matapos magdeklara ng martial law.

Ito ay matapos magpahayag ang Pangulo na hindi ito makikinig sa Korte Suprema o maging sa Kongreso tungkol sa usapin ng martial law.

Pagtatanggol nila Ako Bicol Reps. Rodel Batocabe at Alfredo Garbin, totoo namang wala aniyang sapat na kaalaman sa security matters ang Kongreso at Korte Suprema.


Wala ding kakayahan ang dalawang institusyon na alamin ang problema sa rebelyon kaya hindi dapat magdikta ang mga ito sa kanya.

Ipinapakita lamang din ng Pangulo kung gaano kabigat ang kinakaharap na sitwasyon sa bansa.

Dagdag pa ng mga ito, isang abogado din si Duterte kaya nalalaman nito ang saligang batas at mga safeguards na dapat sundin sa ilalim ng martial law.
DZXL558, Conde Batac

Facebook Comments