Pangulong Duterte, ipinaliwanag ang kaniyang pagiging absent nang tumama ang Bagyong Rolly

Ipinaliwanag ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siya sa Manila nang tumama ang Bagyong Rolly.

Ito ang iginiit ng Pangulo matapos siyang mabatikos dahil sa pagiging ‘missing-in-action’ nang manalasa ang bagyo.

Ayon sa Pangulo, hinintay niyang lumagpas at makaalis ang bagyo bago siya makalipad paalis ng Davao City.


Nasa Davao siya para bisitahin ang puntod ng kaniyang mga magulang bago ipatupad ang pagsasara sa mga sementeryo sa buong bansa bunga ng COVID-19 pandemic.

Iginiit din ni Pangulong Duterte na wala ring pinagkaiba kung nasa Maynila siya o nasa Davao habang nananalasa ang bagyo.

Banat pa ng Pangulo sa mga kritiko kung gusto rin ba nilang tumayo siya sa artificial white sand sa Manila Bay.

Una nang nagpaliwanag ang Malacañang sa isyu at iginiit na patuloy na nakamonitor ang Pangulo sa sitwasyon kay siya ay nasa kanyang hometown.

Facebook Comments